LEGAZPI CITY – Bigong makapasok sa Top 5 ang Team Bicol Vulcans sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City ayon mismo kay DepEd Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil.
Sa kabila nito, sinabi ni Jumamil na lumaban at nag-iwan naman ang mga manlalaro ng makasaysayang rekognasyon sa Palaro kung saan dalawang Bicolanang Atheleta ay nakapagtala ito ng record breaker sa long jump at swimming 50M breaststroke sa nasabing Palaro.
Ayon pa sa opisyal, noon pa man umano ay sadya talagang malalakas na ang mga manlalaro ng ibang rehiyon tulad ng NCR, Calabarzon, Western Visayas, Davao Region at iba pa, ngunit kaya naman makipagsabayan ng Bicol Region sa malalakas na rehiyon.
Aniya, ang mahalaga umano rito ay uuwi pa rin ang mga manlalaro na may mga dala- dalang ginto, silver, at bronze medals. Higit sa lahat ay walang nagkaroon ng aksidente sa palaro base sa kanilang monitoring at kung mayroon man ay minor injury lamang ito.