Mga pamilyang nasunugan sa Ragay ,Camarines Sur nabigyan na ng tulong

CAMARINES SUR- Mabigat ang dinadala ng tatlong mga pamilya sa Liboro Ragay, Camarines Sur matapos na masunog ang kanilang tahanan nitong Sabado Huly 13,  2024.

Ang sunog ang gumising sa natutulog na mga residente pasado ala-una ng madaling araw. Dalawang truck ng Bureau of Fire Protection ang rumisponde pero linamon ng lumalagablab na apoy ang naturang mga tahanan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nagpaabot ng tulong ang barangay, LGU at ang Department of Social Welfare and Development Office Region 5.  Ang bawat apektadong pamilya ay nakatanggap ng dalawang (2) Family Food Packs (FFPs) at mga mahahalagang non-food relief items na may kabuuang halagang PHP 22,549.83 Makakatanggap din ng tulong pinansyal na nagkakahalagang PHP 10,000.00 ang bawat pamilya mula naman sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Pansamantalang naninirahan ang mga nasunugan sa kanilang mga malapit na kamag-anak, ayon  kay Punong Barangay Allan Angeles, mahirap mag simulang muli kaya mag doble ingat sa sunog.