TD Emong, bahagyang bumagal habang papalapit sa kalupaan ng Batanes, Babuyan Islands

Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Northern Luzon ngayong hapon dahil sa epekto ng Tropical Depression Emong.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Emong sa layong 270 km silangan hilagang-silangan ng Aparri Cagayan.

Taglay pa rin ang lakas ng hangin na papalo sa 55 kph at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Bahagyang bumagal naman ang nasabing bagyo habang patuloy na tinutumbok ang Batanes-Babuyan Islands area.

Nakataas pa rin ang signal no 1. sa Batanes, Babuyan Islands at North Eastern Portion ng Cagayan.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Emong.

Samantala, patuloy naman na hahatakin ng bagyong Emong ang hanging habagat o southwest monsoon na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa ilan pang bahagi ng Luzon, Visayas at Western Mindanao.