DOH, itinagging bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na bumibili sila ng mga gamot na malapit nang mag-expire kasunod ng alegasyong korapsyon ng isang senador.

Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipinagbabawal sa batas, protocols, at government policies na bumili ang DOH ng mga gamot na malapit nang mag-expire.

Ipinaliwanag ng opisyal na pwede lang tumanggap ang DOH ng mga gamot na mayroong shelf life na 18 hanggang 24 buwan. Sa oras naman ng public health emergency gaya ng coronavirus pandemic, pwedeng bumili ang DOH ng mga gamot na mayroong 12-month shelf life.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Una nang sinabi ng isang senador na mayroon syang mga dokumentong magpapatunay ng korapsyon sa DOH kabilang na ang sinasabing pagbili ng mga gamot na malapit nang mag-expire.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinabi rin ng mambabatas na may nagaganap na iregularidad sa Energy at Social Welfare Departments.

Una nang nagsumite ang DOH ng budget utilization reports sa senador at nagpahayag ng kahandaan na makipag-cooperate sa imbestigasyon. 

Sinabi rin ni Vergeire na hinihintay pa ng DOH ang mga dokumento at tanong mula sa senador para tugunan ang alegasyon ng korapsyon sa ahensya.