Tatlong unibersidad sa bansa, tumaas ang standing sa 2025 QS world university rankings

Tatlong unibersidad sa Pilipinas ang tumaas ang standing sa 2025 QS world university rankings.

Mula sa 404 umakyat sa 336 ang ranking ng University of the Philippines.

Tumaas naman sa 516 mula sa dating 563 ang Ateneo de Manila University habang ang De La Salle University ay umakyat sa 641-650 mula sa 681-690.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Bumagsak naman sa sa 851-900 mula sa dating 801-1,000 ang University of Sto. Thomas habang ang Cebu-based University of San Carlos ay bumagsak din sa 1401+ mula sa 1,201-1,400 bracket.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Samantala, sa ika-13 magkakasunod na taon nangunguna pa rin ang Massachusetts Institute of Technology sa Estados Unidos sa lahat ng unibersidad sa mundo.