LRT-1 Cavite Extension Project, nakatakdang inspeksyunin ng DOTr

Nakatakdang inspeksiyunin ng mga tauhan ng Department of Transportation ang ginagawang LRT1 Cavite Extension Project.

Gagawin ang site inspection ngayong Biyernes, June 7 sa pangunguna ni Transport Secretary Jaime Bautista.

Ang proyekto ay mayroong walong istasyon na magkokonekta sa Baclaran, Parañaque City at Bacoor, Cavite.

Inaasahang magiging operational ngayong 2024 ang Cavite Extension project ng LRT-1 kung saan mabebenepisyuhan ang 300,000 pasahero.

Sa sandaling maging fully operational, ang travel time sa LRT-1 Cavite sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite ay magiging 25 minuto mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minuto.