Pagbibigay ng free legal aid sa mga pulis na inasunto sa kabila ng pag ganap sa tungkulin, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na pag aralan ang pagbuo ng legal department sa Philippine National Police bilang bahagi ng mga pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa mga panggigipit at walang basehang akusasyon.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Sa naganap na 2nd command conference sa Camp Crame, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng paglikha ng legal na departamento ng PNP na magsisilbing tagapagtanggol ng mga pulis na inakusahan ng iba’t ibang reklamo.

Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos, nais ng Pangulo na may matakbuhan agad na abogado ang mga pulis nang hindi na gagastos ng sarili nilang pera.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Pero paglilinaw ni Abalos, para lang ito sa mga deserving na pulis, na nakasuhan sa kabila ng matinong pagganap sa kanilang tungkulin.