Inaresto ng Quezon City Police District ang tatlong scalpers na nahuling nagbebenta ng mga overpriced tickets para sa crucial Game 6 ng 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals.
Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng entrapment operation ang QCPD kasama ang mga operatiba ng District Special Operations Unit, Quezon City Hall Detachment, at Quezon City-Anti-Cyber Crime Team kahapon ng hapon sa Gateway, Cubao, Quezon City matapos na humingi ng tulong ang PBA tungkol sa scalping ng mga tickets online.

Sa entrapment operation, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Kenneth Peji (21 years old), John Limuel Dela Cruz, (20 years old); at isang 17 taong gulang na lalaki.
Nasa 50 tiket na nagkakahalaga ng P11,500 ang nasamsam sa mga suspek sa operasyon.//CA