Naipadala na ng Senado kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kopya ng resolusyon na mariing kumokondena sa iligal na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea bago pa ang state visit ni Marcos sa Beijing kamakailan.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailangan nilang manindigan tulad ng Vietnam upang ipakita na ang Pilipinas ay hindi umaatras sa mga claims nito sa WPS.
Matatandaang sa kanyang pagbisita sa China, sinabi ni Marcos na napagkasunduan nila ni Chinese President Xi Jinping na magkaroon ng kompromiso at gumawa ng mga hakbang na magiging kapaki-pakinabang sa mga mangingisdang Pilipino.
Para kay Zubiri, ito ay isang magandang hakbang at iminungkahi na ang parehong Navy chiefs at Foreign Affairs ministers ay kailangan magkaroon ng “direct line” upang maiwasan ang problema sa mga pinag-aagawang isla.//CA