Tatlong mangingisda mula sa Camarines Sur, arestado sa Camarines Norte matapos mahuli sa aktong gumagamit ng galadgad

CAMARINES NORTE- Huli sa akto ang tatlong kalalakihan na nagsasagawa ng iligal na pangingisda matapos magsagawa ng Seaborne Patrol ang mga tauhan ng Mercedes MPS dakong 11:26 ng umaga nitong Pebrero 25, 2022 humigit kumulang 2 kilometro malapit sa baybayin ng Barangay Hamoraon, Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga naarestong personalidad ay kinilala sa kanilang mga alyas na Willy  nagsilbing piloto, 29 anyos,  Alyas Bong, 38 anyos at Alyas Nic, 19 anyos pawang mga mangingisda at residente ng Barangay Sugod, Calabanga, Camarines Sur.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Inaresto ang mga suspek matapos na maaktuhan ng mga operatiba habang iligal na nangingisda gamit ang “Galadgad”.

Nakuha sa kanila ang Isang set ng fishing paraphernalia na may tinatayang market value na Php 7,000.00; at Humigit kumulang 10 kilo ng nahuling isda na nagkakahalaga ng Php 800.00.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, ang mga suspek kasama ng mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.

Muli ay nanawagan si PCOL JULIUS D GUADAMOR sa publiko na itigil na ang mga iligal na pangingisda dahil wala umano itong maidudulot na maganda sa karagatan at kalikasan, bagkus magtulungan ang bawat mamamayan para mapangalagaan ang mga lamang-dagat.