Tatlong bagong opisyal at envoy, nanumpa kay Pangulong Marcos

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang tatlong bagong opisyal ng gobyerno at ambassador sa harap ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

Kabilang sa mga bagong nanumpa o nagsagawa ng kanilang oath taking ay sila Aileen Anunciacion Zosa bilang bagong president at chief executive officer ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Si Olivia ‘Bong’ Coo bilang bagong commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) at si Mylene Garcia-Albano bilang bagong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Japan.

Bukod dito, nanumpa na rin ang mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP).

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa naturang oath taking at courtesy call, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng koordinasyon, komunikasyon at kooperasyon sa pagitan ng mga local government units at ng national government sa bawat implementasyon ng mga proyekto at programa.
#