Nagpaalala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa publiko na magdoble ingat sa mga nakakatransaksyon online para makaiwas sa mga scam.
Ayon kay ACG chief Police Brigadier General Joel Doria, kailangang maging aware ang publiko sa mga makabagong paraan ng mga scammers kung paano sila nang-bibiktima.
Ipinunto nito na mayroon na ngayong kakaibang ‘social engineering tactics’ ang scammers kung paano sila magtatagumpay sa pag-scam.
Ang paalalang ito ng ACG ay kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang babae sa Marikina na nang-scam sa pamamagitan ng online transactions.
Modus ng mga ito, nagbebenta ng cellphone online at dapat bayaran ng buyer sa pamamagitan ng installment payment basis. Kapag nagbayad na ang buyer, saka nila ito iba-block.
Dahil dito, nagbabala na rin si General Doria sa mga masasamang loob na hindi sila titigil upang masawata ang lahat ng scammers sa bansa.
#