Tatlong bagong kaso ng mpox – naitala ng DOH

Umakyat na sa walo na ang aktibong kaso ng mpox o monkeypox sa bansa.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na mayroong tatlong mga bagong kaso nito; kaya naman 17 na ang kabuaong blang ng mpox sa Pilipinas.

Sabi ng DOH, ang case 15 ay isang 29-year-old na lalaki; habang ang case 16 ay isang 34-year-old na lalaki.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Pareho silang mula sa Metro Manila; at walang travel history.

Ang case 15 ay mayroong mga ‘anomymous sexual encounters’ sa iba’t ibang partner; habang ang case 16 ay mayroong tatlong sexual contact sa tatlong magkakaibang tao.

Samantala, ang case 17 ay isang 29-year-old na lalaki mula CALABARZON.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Wala rin itong travel history, at mayroong intimate contact sa iisang sexual partner na pinaniniwalaang nagpamalas ng kaparehong sintomas.

Kung maaalala – ang mpox ay hindi nahahawa sa hangin gaya ng COVID-19; at nata-transmit sa pamamagitan ng intimate skin-to-skin contact gaya ng pakikipagtalik.

Sa ngayon, inabisuhan na ang mga LGUs kung saan nanggaling ang mga bagong kaso.