Na-rescue ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang 162 foreign nationals mula sa isang ilegal na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Lapu-Lapu City.
Ayon sa PAOCC, ikinasa ang operasyon sa Tourist Garden Hotel sa naturang Lungsod.
Sa nasabing bilang – 83 ang mga Chinese, 70 ang Indonesian, 6 na Burmese, 2 Taiwanese, at isang Malaysian.
Mayroon ding limang mga Pilipinong na-rescue.
Sabi ng PAOCC – nag-ugat ang operasyon matapos ang request ng Indonesian Embassy na i-rescue ang walo nilang mga kababayan sa naturang POGO hub.