Task Force na magpapatupad ng local sanitation plan ng CityLGU, bubuuhin

Bubuo ang lungsod ng Sorsogon ng City Water Sanitation and Hygiene o WASH Task Force na silang mangunguna sa pagpapatupad ng mabubuong Local Sanitation Plan ng LGU.

Ayon kay City Councilor Mark Jayson Jamisola, bagama’t nagsisimula pa lamang magbalangkas ang 8th City Council sa nasabing usapin, magiging mahalaga aniya ito lalo na at dumadami ang populasyon ng lungsod at wala pang maayos na komprehensibong defecation disposal ang LGU lalong-lalo na sa mga kabahayan na wala pang maayos na palikuran.

Sa ngayon, magiging katuwang ng LGU ang isang NGO upang magsanay at magturo sa tamang proseso ng defecation disposal at pangangalaga sa mga source ng tubig na malapit sa kabahayan.  Ang nasabing proyekto ay sisimulan sa loob ng mahigit na 6 na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *