Ang paglalagay o pagri-register ng cellphone number sa social media account ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nakakatanggap ng text scam.
Pahayag ito ni Department of Information and Communication o DICT Sorsogon Engr. John Nomel Ebuenga sa harap ng ilang reklamo na ipinaabot sa Brigada News patungkol sa mga natatanggap na mga text scams.
Ayon pa kay Engr. Ebuenga, ito umano ang dahilan kung bakit mahalaga ang ‘think before you click’ dahil nakukuha at nare-retrieve ng mga scammers ang personal data ng subscriber sa pamamagitan ng pagregister ng numero o paggamit at pagbisita sa mga iba’t-ibang online applications.
Paliwanag ni Ebuenga ang mga scammers kasi umano ay mayroong mga data banks kung saan dito nila iniipon ang lahat ng kanilang mga nakokolektang cellphone numbers na kanilang pinadadalhan ng mga mensahe upang makapang scam.
