Anim na mga pulis na sangkot umano sa pagpatay kay Jemboy, sumuko na

Sumuko na ang anim na mga pulis na sinasabing nasa likod ng pagpatay sa 17-anyos na binatilyong si Jemboy Baltazar.

Kinumpirma sa Brigada News Fm ni CIDG Director MGen Romeo Caramat na sumuko kahapon sa CIDG-Quezon ang anim na pulis na matapos maglabas ng warrant of arrest ang Korte dahil sa kasong murder.

Kinilala ang mga ito na sina:

  1. PEMS Roberto Balais Jr
  2. PSSg Gerry Maliban
  3. PSSg Antonio Bugayong Jr
  4. PSSSg Nikko Pines Esquilon
  5. PCpl Edmard Jose Blanco
  6. at Patrolman Benedict Mangada

Sumalang na sa booking process at documentation ang 6 na mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG.

Kung maaalala, inisyu ng Navotas City Regional Trial Court Branch 286 ang arrest warrant laban sa anim na pulis para sa kasong murder.

Bago ito, una nang wi-nelcome ng pamilya Baltazar ang pagi-isyu ng warrant laban sa mga pulis.

Ayon kay Atty Ansheline Bacudio – abugado ng pamilya Baltazar – wine-welcome nila na murder at hindi na lang reckless imprudence ang kaso sa anim na mga pulis.

Ibig-sabihin, mas mabigat daw ang parusang kanilang kahaharapin, at non-bailable na rin ito.

Sa huli, tiniyak nilang umpisa pa lang daw ng kanilang laban dahil magpapatuloy silang mag-demand ng accountability laban sa mga pumaslang sa binatilyo.

READ MORE:

Korte, naglabas na ng arrest warrant laban sa anim na mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *