Task Force El Niño, tiniyak ang mga hakbang laban sa profiteering

Tiniyak ng pamaghalaan sa publiko ang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa profiteering ngayong El Niño.

Kaugnay nito, hinikayat ni Defense Secretary Gilbert Teodoro bilang chairman ng Task Force ang Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang supply at price monitoring para mapangalagaan ang mga consumers.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Ito’y alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang government intervention para maibsan ang mga epekto ng El Niño.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Kaugnay nito pinatitiyak din ni Sec. Teodoro na may sapat na supply ng mga pangunahing produkto, partikular sa mga lugar na nakakaranas ng matinding epekto ng tag-tuyot.