CAMARINES SUR – Nasa ilalim na ng close monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Garchitorena sa Camarines Sur ang lahat ng barangay sa bayan.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Janet Bombase, MDRRM Head, dahil karamihan sa mga barangay ay malapit at nasa baybaying dagat, mas tinutukan nila ito. Anya, ilang insidente na rin ng pagkalunod at pagkasira ng mga kagamitang pandagat ang naitala sa lugar tuwing may sama ng panahon dahil sa mga mapipilit na mangingisda na pumapalaot pa rin.
May ilang bahagi rin sa bayan na landslide prone area kung kaya’t maging ang mga residente rito, inabisuhan na rin.
Siniguro na nila ang maayos na mga evacuation centers at umaasa sa 100% kooperasyon ng mga residente ngayong may sama ng panahon na binabantayan.