Maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur pinagbawalan nang maglayag

NAGA CITY- Bawal nang maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur base sa abiso ng Philippine Coast Guard dahil sa banta ng Bagyong Aghon/, maliban na lamang sa mga mag ti-take shelter o dadaog para sa kaligtasan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa bayan ng Tinambac, inabisuhan  ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRO) ang mga barangay officials na i-monitor at abisuhan  na ang kanilang mga residente, na huwag nang tumuloy pumalaot ang mga nagbabalak pa at umuwi na ang mga nasa laot ngayon, upang hindi maabutan ng malakas na alon.  22 sa 44 barangay ang coastal area.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Romil Estolano, hindi man direktang tutumbikin ang lalawigan mabuti na ang naghahanda kaysa sa may buhay na mawala.