Nasa 3 milyong National IDs, nai-deliver na sa Bicol

BNM BICOL – KINUMPIRMA ng Philippine Statistics Authority o PSA-Bicol na nasa tatlong milyong mga Philippine Identification o PhilID cards o National IDs ang nai-deliver na sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Sinabi ni PSA-Bicol Regional Director Cynthia Perdiz na pinalakas pa umano nila ang pakikipagtulungan sa Philippine Postal Corporation o PHLPost para matiyak ang mabilis na delivery ng mga IDs lalong  higit sa mga malalayong lugar sa Kabikulan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa ngayon, nasa 94.51% na umano ang registration rate o katumbas ng 4.8 million na mga Bicolanong rehistrado na Philippine Identification System o PhilSys mula sa limang milyong target.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Patuloy umano ang kanilang mga hakbang para maabot ang mga natitirang unregistered residents kung saan nagpapatuloy pa rin umano ang PhilSys on Wheels at mga isinasagawang barangays at house-to-house interventions. ###