Tarlac State University, magsasagawa ng limited face to face grad rites

Inanunsyo ng Tarlac State University o TSU na magkakaroon sila ng limited face to face graduation rites.

Ayon kay TSU president Arnold Velasco, naka schedule ng limang araw ang gagawing ceremony para matiyak na masusunod ang health protocol.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Hahatiin sa morning at afternoon batch ang mga ga-graduates.

Inaasahang isasagawa ang limited face to face graduation ng TSU mula June 28 hanggang July 02.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Maaalalang dahil sa COVID-19 pandemic, pansamantalang natigil ang pagsasagawa ng mga face to face graduation ceremony.