37 Chinese na nasakote sa exclusive subdivision sa Parañaque City – walang kaukulang dokumento para makapagtrabaho ayon sa BI

Nadiskubre ng Bureau of Immigration na walang working permit ang 37 Chinese Nationals na nasakote sa loob ng exclusive subdivision sa Parañaque City.

Ayon kay Melvin Mabulac, Deputy Spokesperson ng BI, walang kaukulang dokumento ang mga nasakoteng Chinese para makapagtrabaho at malinaw na paglabag ito sa immigration law.

Inaalam na rin kung mga nakabinbin silang kaso sa Pilipinas bago ipatapon pabalik ng China.

Sa ngayon ay nanatili sila sa detention center ng BI sa Bicutan habang naghihintay ng kanilang deportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *