Isinusulong ngayon ng isang grupo ang tambalang Bongbong Marcos para presidente at Tito Sotto sa pag ka Bise-Presidente.

Sa isang pahayag sinabi ni Philippine Transport Monitor o PhilTram Chairman Aio Bautista na ang tambalang Marcos at Sotto o MarSo ay malaki ang maitutulong sa hanay ng transportasyon dahil tugma umano ang programa at plataporma ng dalawa sa adbokasiya ng kanilang grupo.
“Ang aming hanay ay naniniwala na hindi pa huli ang aming paglantad at pagbuhos namin ng pagsuporta at pagsulong sa TAMBALANG MarSo!

Katunayan po, simula pa lamang ng Abril 2022, ilan po sa aming mga kasapi ay naglunsad na ng ilang pagkilos-pakilala sa San Mateo at Montalban Rizal, sa Novaliches Quezon City at sa iba pang lugar.
May kasapi pa po kami buhat sa iba’t-iba pang sektor ngunit nakiusap na manatili na lamang po silang tahimik lang na nasa likuran ngunit aktibo sa pagsusulong ng MarSo Hanggang Mayo!” pahayag ni Bautista.
Ang PhilTram ay kinabibilangan ng ng tatlong iba’t ibang grupo ng transportasyon, gaya ng food delivery riders, tricycle drivers at mga tsuper ng jeepney.