No. 4 MWP ng Taguig City, naaresto sa Masbate

SORSOGON CITY – Dumayo pa ang mga tauhan ng Taguig City Police sa lalawigan ng Masbate upang hulihin ang kanilang No. 4 most wanted person.

Kinilala ang akusado na si Lance Hipos Villamor, 20-anyos, binata at naninirahan sa Brgy Balatucan sa bayan ng Mobo.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 69, Taguig City sa kasong paglabag sa RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997 at walang itinakdang piyansa.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Matapos ang dokumentasyon ng pagkahuli sa Mobo Police, agad na binitbit ng Taguig Police ang kanilang wanted person para ibalik sa kanyang court of origin.