Nagbabala ang Taliban na dapat sumunod sa deadline ng withdrawal of troops na itinakda ng Nato sa Setyembre ang lahat ng foreign troops sa Afghanistan.
Ito ang babala ng Taliban group kasunod ng report na mayroon pang 1,000 mga sundalo na karamihan ay US troops ang posibleng manatili sa lugar para maprotektahan ang diplomatic missions at maging ang Kabul international airport.
Sinabi ni Taliban Spokesman Suhail Shaheen na kapag may iniwang puwersa ng kahit na anong foreign troops na labag sa Doha agreement, ang kanilang liderato na ang magpapasya kung ano ang kanilang gagawin.
Matatandaan na nagtap[os na ang 20-year military mission sa Afghanistan pero nananatili ang kaguluhan sa nasabing bansa habang mas maraming lugar ang nakukubkob ng Taliban.
Nangangamba din ang marami hinggil sa magiging kinabukasan ng Kabul habang naghahanda ang Afghan forces na sila na lang ang magbabantay sa seguridad doon.
Nilinaw naman ng Taliban na hindi nila target ang mga Diplomats, NGOs at iba pang foreign civilians at sa halip ay kinumpirma niyang ang mga foreign military forces ang kanilang target.
