Mayor’s office, tutulong na sa paghahanap ng mga indibidwal na umiiwas magpabakuna kontra covid-19

Tutulong na ang mayor’s office ng Olongapo sa paghahanap ng mga indibidwal na tumatanggi sa ikalawang dose ng bakuna kontra corona virus disease.

Ito ay para bawasan ang abala sa mga vaccinator ng City Health Office na dapat ay nakatutok lang sa pagbabakuna at hindi sa paghahanap ng mga ayaw nang magpabakuna.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, hihingin ng opisina sa health office ang listahan ng mga taong minsan nang ipinatawag para bakunahan pero hindi dumating sa vaccination site nang hindi alam ang dahilan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Plano ni Paulino na tawagan o di kaya ay puntahan ng personal ang address ng mga ito para kumbinsihing magbakuna at tapusin hanggang second dose.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 1 person, eyeglasses and text