Mahigit 50 mangingisda sa bayan ng Basud nakatanggap ng cash subsidy assistance mula sa BFAR

Nakatanggap ng Cash Subsidy ang nasa 55 mahihirap na mangingisda sa bayan ng Basud, Camarines Norte mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamamagitan namn ng Lokal na Pamahalaan.

Ang Cash Vouchers ay may kabuuang halagang Limang Libong Piso na naipamahagi noong isang linggo.

Tinatayang nasa P275,000.00 ang kabuuang halaga ng naturang Assistance.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ito na ang ikalawang batch ng Cash subsidy na naipamahagi sa naturang bayan.

Matatandaan na nagsimulang mamahagi ng ayuda ang BFAR noon pang isang taon sa iba’t- ibang bayan para sa mga rehistradong mangingisda.

Sa ilalim ito ng Cash Vouchers at Food Subsidy program na may kabuuang halagang Php.5,000.00 na ipinamamahagi sa Marginalized Fisherfolks.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang bawat isang Rehistradong Mangingisda ay nakatanggap noon ng Php.3,000.00 mula sa Cash Vouchers at mayroong Food Subsidy na naglalaman ng bigas, Manok,  at dalawang tray ng itlog na nagkakahalaga ng Php.2,000.00