Tagaluto sa karenderya, patay sa pamamaril

Dead on arrival ang isang babae matapos barilin sa Barangay Calumpang, Gensan alas-3 ng madaling araw, Hunyo 7.

Kinilala ang biktima na si Cindy Cabuguas-Petcha, 47 anyos na isang cook sa karenderya.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Base sa inisyal na imbestigasyon, may posibilidad na paghihiganti ang dahilan ng pamamaril.

Posibleng konektado ang krimen sa riot noong nakaraang buwan sa Barangay Labangal na ikinamatay ng isang criminology student.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Tumagos sa noo at pisngi ang bala na ikinamatay ng biktima.

Gayunpaman, tinitignan rin ng kapulisan ang ibang anggulo. Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon.