Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang isa pa umanong pangha-harass ng China sa mga barko ng bansa.
Sa social media post ni Tarriela, sinabi nitong dineploy ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan noong May 19 ang High Speed Response Boat (HSRB) mula sa Buliluyan Port para makipagtagpo sa Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) na may sakay na may sakit na personnel para sa agarang medical evacuation.
Sa kanila aniyang attempt na madala ang PCG HSRB, kasama ang PN RHIB, sa rendezvous point – hinarang na sila ng mga vessels at maliliit na bangka ng China Coast Guard (CCG).
Nagpatuloy umano ang China sa kanilang dangerous maneuvers kahit na ipinaalam ng Pilipinas ang tungkol sa kanilang medical evacuation sa pamamagitan ng radio.
Bukod pa rito, intensyonal rin daw na binangga ng CCG ang PN RHIB habang nagta-transport ng may sakit na personnel.
Giit ni Tarriela, malinaw sa naging aksyon ng China ang intensyong pigilan na makatanggap ng medikal na atensyon ang tauhang may sakit na nangangailangan ng agarang gamutan.