Instant millionaire ang isang mananaya mula sa Davao del Sur matapos nitong solong mapanalonan ang Super Lotto 6/49 jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa abiso mula sa PCSO hahakot ng P157,395,155.60 ang winner matapos tinamaan nito ang winning combination na 41-33-31-24-37-49.
Ang ticket ay binili sa isang lotto outlet sa Rizal Avenue, Digos City, Davao del Sur.
