DMW, humingi ng mas mahabang pasensya sa mga hindi pa nababayarang OFWs ng ilang kumpanya sa Saudi Arabia

Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) sa ilang overseas Filipino workers (OFW) habaan pa ang kanilang pasensya dahil marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng kabayaran sa kanilang mga sahod mula sa mga kompanyang nagsara sa Saudi Arabia.

Read More:  Pangilinan questions farm imports during harvest season

Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, inihahanda na ang mga tseke para sa pagbabayad ng claims ng 2,500 OFWs, na nagkakahalaga ng 130 milyong Saudi riyal o P1.95 bilyon.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Kinumpirma ito ng kalihim matapos ang kanyang pagpupulong kasama si Minister Ahmad bin Sulaiman Alrajhi ng Saudi Ministry of Human Resources and Social Development.

Sa ngayon, 1,375 na manggagawa pa lang ang nakakatanggap ng kabayaran.