PGH – nasunog sa ikatlong pagkakataon

Nasunog ang bahagi ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila mag-aalas sais ng umaga ngayong Lunes, September 16.

Dakong 6:07 ng umaga ng itaas ang unang alarma at 6:21 ng umaga ng itaas ang ikalawang alarma ang sunog.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Dahil sa nasabing sunog ay inilabas ang mga pasyente na nasa out patient department.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Fire District, nasunog ang tinatawag sa “call room” sa mezzanine ng main building ng ospital dahil sa nag over heat na airconditioning unit.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Maaalalang nito lamang Marso at Abril nang makarans din ng sunog sa PGH.