1 patay, 3 sugatan sa shooting incident sa Jerusalem

Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos mamaril ang isang lalaki sa Jerusalem.

Patay din sa nasabing insidente ang suspect na natukoy na miyembro ng Palestinian militant group na Hamas matapos mabaril ng Israeli security forces.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Inihayag ng mga otoridad na nagpanggap ang suspect na isang Orthodox Jew na nag-ikot sa mga isikinata sa lugar.

Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng Hamas na miyembro nila ang lalaki at kinilalang si Fadi Abu Shkhaydam.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ayon sa report, nangyari ang krimen malapit sa gate ng compound sa East Jerusalem malapit sa Al-Aqsa mosque.

Samantala, inatasan ni Israeli Prime Minister Naftali Bennett ang security forces na maging extra vigilant.