SWS: Mas maraming Pinoy suportado ang mandatory jabs, restrictions para sa unvaxxed

Mahigit kalahati ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang pabor na magkaroon ng mandatory na pagbabakuna at mas higpitan ang mga patakaran laban sa mga unvaccinated na indibidwal kontra COVID-19.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa resulta ng survey, humigit-kumulang 51 porsiyento ng mga respondent ang sumang-ayon sa kautusan ni Pangulong Duterte na pilitin ang lahat ng Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Tatlumpu’t dalawang porsyento ng mga respondent ang nagsabing sila ay lubos o medyo hindi sumasang-ayon sa panukala, habang 17 porsyento ay undecided.

Sa patakaran naman na nagbabawal sa mga hindi bakunado na kumain sa loob ng mga restaurant, 49 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing sila ay lubos na sumasang-ayon at 25 porsiyento ang medyo sumasang-ayon dito.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Tatlumpu’t anim na porsyento naman ng mga sumagot ang hindi sumasang-ayon habang 14 na porsyento ang undecided.

Isinagawa ang survey noong Dec. 12 hangang 16 ng nakaraang taon.