SWS- 51% ng mga Pilipino umaasang matatapos na ang COVID crisis ngayong taon

Umaasa ang mahigit kalahati ng mga Pilipino na matatapos na ang COVID-19 crisis ngayong taon.

Sa resulta ng latest Social Weather Stations survey, na isinagawa noong Dec. 12-16 ng nakaraang taon, lumalabas na 51% ng mga Filipinos ang nakikita matatapos na ang pandemya ngayong taon, habang 45% ang naniniwalang lampas pa ng 2022 matatapos ang global health crisis.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ang expectation na matatapos ang pandemya ngayong taon ay mataas sa Mindanao sa 62%, sinundan ng Balance Luzon o mga lugar na nasa labas ng Metro Manila sa 51%, National Capital Region sa 49%, at sa Visayas sa 41%.

Samantala, lumalabas rin sa survey na 51% ng mga respondents ay pabor na ipasa ang batas na magrerequire sa mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19; 31% ang hindi pabor at 17% ang nananatiling undecided.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Parehong percentage rin ng mga respondents ang pabor na ang mga unvaccinated workers ay dapat magpresenta ng negative RT-PCR test kada dalawang linggo para payagan silang makapasok sa trabaho, 35% ang disagree, at 14% ang undecided. //MHELPACIA-TRINIDAD