Govt posibleng magbigay ng 4th anti-COVID dose sa immunocompromised

Inihayag ng Vaccine Expert Panel (VEP) na ang 4th anti-COVID vaccine dose na booster shot ay maaring ibigay sa mga immunocompromised.

Ayon kay VEP chief Dr. Nina Gloriani, na dahil ang mga immunocompromised ay nakatanggap ng tatlong primary series ng COVID-19 vaccine, ang kanilang pang-apat na dose ay maaring magsilbing booster shot.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa ngayon, nagbibigay ang Department of Health (DOH) ng third doses para sa mga senior citizens at immunocompromised, habang booster shots naman ang ibinibigay para sa mga nakatapos na tatlo hanggang anim na buwang requirement, matapos tumanggap ng second dose.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sinabi naman ni Gloriani na hindi pa tinatalakay ng gobyerno ang plano kaugnay sa pagbibigay ng ikalawang booster shot, dahil wala pang sapat na datos para dito.