Swine housing facility, ipapatayo sa Nueva Vizcaya

Nakatakdang ipatayo ang 5.5 milyon pesos na halaga ng Bio-Secured Swine Housing Favility sa Nueva Vizcaya.

Ito ang aksyon ng DA Regional Field Office 2 upang mabuhay muli ang hog industry sa probinsya matapos maapektuhan ng African Swine Fever.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ang naturang proyekto ay kabilang sa INSPIRE program ng ahesnya sa ilalim ng National Livestock Program.

Nakatuon ang naturang pasilidad sa hog repopulation upang mahikayat muli ang mga hog raisers na bumalik sa pagbababoy.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Sinabi naman ni DA Regional Livestock Focal Person Dr. Bryan Sibayan na kayang mag-akomoda ng 300 heads ng swine fattening na sasailalim sa bio-safety protocil upang makapag-produce ng meat products.