Magnanakaw, bistado matapos ibaba ang facemask at uminom ng tubig

Bistado ang isang magnanakaw sa Jaro, Iloilo matapos siyang uminom ng tubig sa loob ng pinagnanakawan na establisyemento.

Ayon sa may-ari ng BAC Fire Industrial Supplies, nangyari ang panloloob ng lalaki noong September 20, 2022 ganap na 1:40 ng madaling araw.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Pinaniniwalaan na dumaan sa bubong ang suspek at gumamit pa ng hagdan para makarating sa ikalawang palapag ng gusali kaya baka napagod ito at napainom ng tubig.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Nang malaman nitong nakaharap ang CCTV sa kanya ay nagdirty finger pa sa harap ng camera.

Base sa ulat, dalawang libong piso at may cellphone ang natangay ng suspek na hindi pa nahuhuli.