Tinawag na “baseless issuance” ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson, Senador Robin Padilla ang ang ginawang 30-day suspension ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI).
Ayon kay Padilla, maituturing na paglabag sa karapatan ng SMNI sa due process ang ginawa ng NTC na maaring magresulta sa seryoso at hindi na maibabalik na pinsala sa mga empleyado nito.
Dagdag pa niya, bigo ang NTC na ipakita sa kanilang show cause at suspension order ang dahilan kung bakit kailangang suspendihin ang operasyon ng SMNI.
Kaugnay nito, ibinihagi ng senador na plano niyang maghain ng isang resolusyon na magiging epektibo naman sa pagbabalik sa trabaho ng Senado sa Enero.