Suspek sa pagpatay mag-asawang online seller sa Pampanga – arestado na

Arestado na ng pusliya ang pitong suspek na may kaugnayan sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-aswang mag-asawang Arvin at Lerma Lulu.

Ayon sa ulat mula kay Police Regional Office 3 Regional director BGen. Redrico Maranan, kabilang sa naaresto ang riding in tandem suspects na kinilalang sina Arnold Taylan at Arnel Buan.

Naaresto ang dalawa sa Nueva Ecija.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Nagbigay ng mahahalagang impormasyon ang dalawa na naging daan para mahuli ang limang iba pang suspek na sina sina Robert Dimaliwat, Rolando Cruz, Jomie Rabandaban, Sancho Nieto, at ang itinuturong mastermind na si Anthony Limon.

Natuklasan sa imbestigasyon na si Limon, na isang online seller gaya ng mga biktima, ay may utang na Php 13 milyon sa mag-asawa, na posibleng motibo sa krimen.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Narekober ng mga pulis sa operasyon ang siyam na baril sa kabilang ang tatlong caliber 9mm pistols, 5 caliber .45 pistols, 1 caliber .22 na rifle, at isang air gun.

Maalalang, pinagbabaril ng riding in tandem ang mga biktima noong October 4 sa Mexico, Pampanga na lulan noon ng sasakyan.