Nakatakas mula sa restrictive custody ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Bulacan ABC President Ramilito Capistrano.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, pinag-report sa CIDG at dinisarmahan si Police Staff Sgt. Ulysses Hernani Castro Pascual saka inilagay sa restrictive custody.
Ito’y matapos lumalabas sa imbestigasyon at batay na rin sa mga impormasyong ibinahagi ng kailang mga vital witnessess, natukoy siyang nagmamaneho ng Mitsubishi Adventure na ginamit sa pagpatay kay Capistrano.
Kasama niya sa sasakyan ang kanyang pinsan na isa sa pinaghahanap at nakasuhan na si Cesar Gallardo Jr.,
Ngunit nagpaalam daw ang pulis sa duty custodial na uuwi sandali at babalik ngunit hindi na ito nagpakita.
Ni-relieve na ang pulis na pumayag sa pagpapalabas kay Pascual.
Bukod sa mga kasong kanyang kinakaharap dahil sa pagpatay sa ABC president, mahaharap din siya sa AWOL cases at admin cases.