Suspek sa pagpatay ang panggagaha sa 10-anyos sa Tupi, nanlaban; patay!

KORONADAL CITY – CASE ClOSED na, ito ang resulta sa masusing hot-pursuit at imbestigasyon ng mga otoridad ng Tupi Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring pagkamatay at panggagahasa sa isang 10-anyos sa Sitio Lembisong, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato noong Mayo 10, 2024. Ito ang kinumpirma ni PLt. Richard Ho, admin officer ng Tupi Municipal Police Station sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan kinilala nito ang suspek na si Ronald Sayosa, 44, kasado, laborer, residente ng Purok River Side, Lembisong, Kablon, Tupi na itinuturong kapitbahay ng biktima.

Ayon kay Ho, alas 3 ng hapon pinapauwi na ang mga bata mula sa paaralan kung saan alas 4 ng hapon sinundo ito ng kaniyang ama dahil pa ito nakarating sa kanilang bahay dahilan na humingi na ang ama ng tulong sa mga tanod at mga otoridad kung saan nakita na lamang na patay na ang bata 300 metros ang layo sa kanilang bahay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dahil umano sa pang-aagaw ng suspek na si Ronald Sayosa sa service firearm ng isang jail officer ng Tupi Municipal Police Station ito ang nabaril ng isang pulis upang i-neutralize na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dakong alas 9 ng umano noong Mayo 11 isinailalim sa ilang procedures, bookings, mug-shot at finger-print ang suspek na siya ring pang-aagaw nito ng baril dahil pansamantalang kinuha sa kaniya ang posas sa layuning maging maayos ang kanilang paglalagay ng detalye.

Dahil sa pangyayari, agad na rumesponde ang ilang mga pulis dahilan na ito ang nabaril sa ulo sa layunin na ma-neutralize lamang kung saan hindi naman umano itinatanggi ng Tupi PNP, ngunit isasailalim sa motu proprio investigation ang pulis kung ito ba ay may lapses sa pangyayari.