Suspek sa kasong frustrated homicide at murder, arestado matapos ang 30-taong pagtatago

Sorsogon City- Sa mas pinaigting na Manhunt Charlie Operation at kooperasyon ng mamamayan, matagumpay na naaresto ng personahe ng Casiguran Municipal Police Station (bilang lead unit) sa pakikipagtulungan ng Santa Cruz MPS, Santa Cruz, Laguna ang akusadong nahaharap sa kasong Frustrated Homicide at Murder.

Kinilala ang akusado na si Ernesto Hamor Biñas, 65 anyos, may-asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Cogon, Casiguran, Sorsogon.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Ang naturang suspek ay naaresto sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyo ng hukom noong Hulyo 17, 1990 sa kasong Frustrated Homicide na may kaukulang piyansa at kasong pagpatay na walang kaukulang piyansa.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Patuloy na nanawagan sa publiko ang mga awtoridad na huwag matakot na magbigay ng anumang impormasyon at isumbong ang anumang uri ng krimen para sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan .