Sinunog ng Joint Task Group Peace and Justice katuwang ang PDEA at iba pang otoridad ang 14 na taniman ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 103 milyon pesos sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. ang commander ng Northern Luzon Command, nagsagawa ng anti-illegal drug operation partikular ang Marijuana Eradicatuon ang government forces sa Brgy Tulgao East at Mt. Chumanchil, Brgy Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Dito na sinunog ang 485, 900 fully grown marijuana plants, 72,000 grams bg pinatuyong dahon ng marijuana at 5,000 grams ng marijuana seeds.
Inihayag naman ni JTG Commander Brig. Gen. Santiago Enginco na tig-anim na marijuana plantation ang natuklasa sa barangay Tulgao at Loccong habang dalawa naman sa Butbut.
Sa kabuoan aniya ay nasa 45,500 sqm ang land area nito kung saan tinatayang 103,365,000 ang halaga ng sinunog na marijuana.
Tiniyak naman ni MGen Laurence Mina ng 5ID na magpapatuloy ang pagbabantay ng security forces sa naturang mga lugar upang matukoy ang mga sangkot na drug personalities.