17 FCAs sa Cagayan Valley, makakatanggap ng P5.5-M grant

Pumirna na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang 17 na Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) bilang bahagi ng programa ng Department of Agriculture (DA) na matulungang manumbalik ang sigla ng swine industry sa lambak ng Cagayan na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Pinangunahan ni DA Region 2 Executive Director Narciso Edillo ang naturang aktibidad na isinagawa kahapon, February 28, 2022.

Kaugnay nito ayon kay RD Edillo ang bawat FCA na lumagda sa naturang kasunduan ay makakakuha ng P5.5 million grant mula sa P570 million total budget na ibinaba para sa buong rehiyon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kabilang sa mga signatories ang DA Region 2 sa pamamagitan ni RD Edillo, FCA at lokal na pamahalaan.

Inihayag naman ni USec. William Medrano na ang naturang hakbang ay daan upang magkaroon ng sama-samang pagsisikap para sa ginagawang swine repopulation ng kagawaran sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiative for Recovery and Expansion (INSPIRE).

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sinabi naman ni RD Edillo na habang wala pang bakuna para sa ASF ay kailangang maglabas ng mga ordinansa at polisiya ang mga LGU para mapagtibay ang Babay ASF.

Samantala, mayroon pa umanong 103 na inaasahang mga FCAs ang nagpasa ng aplikasyon na kasalukuyang isinasailalim pa sa validation at evaluation.