Lalaking wanted dahil sa droga, nakipag-agawan ng baril sa pulis; patay

Patay ang isang lalaki na wanted para sa kaso na may kinalaman sa droga matapos itong aksidenteng mabaril ng isang pulis na tinangka nitong agawan ng baril sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Martes, Hulyo 30.

Ayon sa report, naghahain noon nang warrant of arrest ang mga awtoridad nang sinubukan umanong agawin ng akusado na si alyas “Inan”, 38-anyos, ang baril ng isang pulis habang nasa gitna ng operasyon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Doon na nagpambuno ang dalawa hanggang sa aksidenteng pumutok ang baril na tumama sa tiyan ng suspek.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Samantala, isinugod sa hospital ang suspek subalit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Sinabi ng pulisya na walang kasong isasampa laban sa suspek dahil sa pagkamatay nito.