Gov’t employees na may kulay ang damit bilang suporta sa kandidato, hindi bawal – Guanzon

Inihayag ni dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon na hindi labag sa civil service rules ang pagsusuot ng mga damit sa opisina na may mga kulay na tila nagsusulong sa isang partikular na kandidato para sa May 9 elections.

Ayon kay Guanzon, walang problema sakaling maisipan ng mga empleyado na magsuot ng pink, red, blue, o black o magsuot ng ribbon bilang isang armband.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Iginiit ng nagretirong poll commissioner na bahagi ito ng ating freedom of expression.

Ipinunto rin ni Guanzon na ang pagsasagawa ng mock elections ng government unions ay hindi rin pinagbabawal, sa kondisyon na gagawin ito sa labas ng office hours.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Samantala, naniniwala naman si Guazon na paraan ng pagsupil ang pagpapasuot ng educational institutions sa mga estudyante nito ng mga prominenteng kulay sa general assemblies para mag-promote ng national candidates na bibisita sa kanilang campuses.