Ilang residente sa Albay, kusa ng tinanggal ang mga nakadikit na election campaign materials

LEGAZPI-Sa halip na hintayin pa ang mga otoridad na magbaklas ng ilang election campaign materials o paraphernalias dahil tapos na ang eleksyon, ilang mga residente ang nagkusa ng tanggalin ang mga ito.

Ilan kasi umano sa mga binaklas tulad ng tarpaulin, mga kahoy na pinagkabitan, ang nagamit.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Sa northern part ng Legazpi City, nagamit ang mga kahoy sa at tabla maging ang ibang malalaking tarpaulin bilang pambubung ng bahay.

Ayon naman sa Task Force kalinigan, hindi naman bawal ito sa halip ay mas mabuti umanong tumulong na ito sa pagtatanggal dahil hindi kakayanin ng gobyerno.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Samantalang, hindi naman nila gagalawin o tatanggalin ang mga posters na nakadikit sa mga pribadong establishemento kung kayat maaari na itong kunin o gamitin ng may-ari.

Kung matatandaan, kahapon sa Albay, nagsimula ng magbaklas ng mga campaign materials para paunti unti ng malinis ang kalsada.