Suportang nakukuha ng ilang magsasaka sa Naga City, kulang; ilan sa kanila nagpa-abot ng hinanaing

NAGA CITY – Nag-paabot ng hinanaing at nagreklamo ang ilang magsasaka sa lungsod ng Naga, dahil sa kulang ang nakukuhang farm inputs, tulad ng binhi.

Ito ang napag-alaman kay Ernesto Asence III, Acting City Agriculturist ng Naga City Agriculture Office. Aniya kulang talaga ang naibibigay nilang binhi at abono sa ilang magsasaka lalo na ang may malalaking sakahan, dahil sa limitado ring resources na nakukuha mula sa Pamahalaan, minabuting mas marami ang dapat na mabigyan kaya hinahati-hati maging sa pagpapa-utang sa mga magsasaka. Ang naging tugon na lamang nila marami kayong nangangailangan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa ngayon tuloy din ang pagbibigay ng mga binhi, 250 bags na sa mga magsasaka ng palay, 50 bags naman sa mais, ilan pa sa naibibigay nila ang abono at pesticide, na minsan ang iba pautang sa mga rehistrado lamang sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon pa sa opisyal, kulang man ang naibibigay na suporta ang mahalaga nakakarating sa kanila ang mga tulong at subsidiya. Matatandaang mas papalawakin pa ng Gobyerno ang suporta sa mga magsasaka lalo na sa Naga, Camarines Sur at Bicol Region, ayon sa Department of Agriculture Regional Director, Rodel Tornilla.